BALER, Aurora – Hindi naging hadlang kay incumbent Mayor Nelianto Bihasa ang kinakaharap na kasong graft sa Ombudsman makaraang ilahad ng Municipal Board of Canvassers ang landslide victory sa eleksyon noong Lunes.

Iprinoklama si Bihasa (NP), kasama ang lima na nagwaging konsehal, batay sa opisyal na resulta ng botohan. Lumamang si Bihasa ng 3,184 boto kontra kay Karen Angara (LDP) na nakakuha ng 10,576 na boto laban sa 7,352 boto ng huli.

Tinalo naman ni outgoing board member Pedro Ong, Jr. ang running-mate ni Bihasa na si Pedro Valenzuela sa botong 10,226, kontra 7,784 para maging vice mayor.

Kabilang sa mga nagwaging konsehal sina Nolie Go, Carlito Murillo, Gina Ritual, Manny Galban, Reynaldo Mapindan, Francisco Zubia III, Felipe Friginal, at Ramil Duaso. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Tatlong magkakapatid, magkakasunod umanong sinapian ng masamang espirito?