Nagpahayag ang lider ng komunistang rebelde ng Pilipinas na si Jose Maria “Joma” Sison ng pag-asang matatapos na ang kanyang tatlong dekadang pagkakatapon sa ibang bansa sa ilalim ng panguluhan ni Rodrigo Duterte, isang eksplosibong homecoming na tinututulan ng matataas na opisyal ng militar.
Tumakas si Sison, 77, patungo sa Europe matapos mabigo ang peace talks noong 1987 at nananatili sa ibang bansa simula noon, habang patuloy na kumitil ng libu-libong buhay ang isa sa Asia’s longest-running insurgencies.
“I will return to the Philippines if Duterte fulfils his promise to visit me,” sabi ng tagapagtatag ng Netherlands-based Communist Party of the Philippines (CPP) sa mga komentong ipinaskil sa kanyang Facebook page nitong Miyerkules ng gabi.
“The prospects (for peace talks) seem to be bright at the moment.”
Itinatag ni Sison, professor ng political science, ang partido noong Disyembre 1968 at inilunsad ang guerrilla campaign nito makalipas ang tatlong buwan.
Mahigit 30,000 katao na ang namatay sa rebelyon, batay sa opisyal na bilang.
Pinaniniwalaan na bumaba na ang bilang ng New People’s Army sa halos 4,000 sundalo, mula sa 26,000 sa kalakasan nito noong 1980s, ayon sa militar, gayunman, nananatili itong suportado ng mga maralitang mamamayan sa kanayunan.
Si Duterte ay naging estudyante ni Sison sa isang unibersidad sa Manila noong 1960s.
Nitong Lunes ay nagpahiwatig si Duterte na handa siyang palayain ang ilang nakakulong na rebelde at muling simulan ang peace negotiations.
“I’m a socialist,” pahayag ni Duterte. (Agence France-Presse)