Nagpaalala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na epektibo pa rin ang gun ban hanggang sa Hunyo 8, kahit tapos na ang halalan.
Sinabi ni PNP spokesman Chief Supt. Wilben Mayor na umabot na sa 4,212 indibiduwal ang naaresto dahil sa paglabag sa gun ban ng Commission on Elections (Comelec), karamihan ay mga sibilyan.
Idinagdag niya na 3,478 armas na ang nakumpiska ng pulisya sa mga checkpoint sa iba’t ibang lugar sa bansa.
(Fer Taboy)