BEIJING (AP) – Sinabi ng Defense Ministry ng China na isang fighter jet ng navy na nasa nighttime training mission ang bumangga sa mga gusali sa silangang lungsod ngunit ligtas na nakahiwalay ang piloto at walang iniulat na nasaktan.

Nakasaad sa maikling ulat sa website ng ministry na nangyari ang aksidente dakong 7:30 nitong Miyerkules sa lungsod ng Taizhou sa Zhejiang province. Ayon dito nasira ang mga bahagi ng isang pabrika ng sewing machine dahil sa crash, ngunit nakapag-eject ang piloto at ligtas na lumapag sa lupa.

Iniimbestigahan na ng navy at East China Sea Fleet ang sanhi ng pagbangga.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina