NAGBABALA ang EcoWaste Coalition, waste and pollution watch group, laban sa pagsusunog sa mga ginamit na campaign material sa nagdaang eleksiyon, pag-uulat ng Philippine News Agency (PNA).
Ito ay matapos magsagawa ng clean-up activities ang mga government workers at maging ang civic groups at mga concerned individual.
“The open burning of trash, including discarded campaign materials, is punishable by law,” paalala ni Aileen Lucero, coordinator, EcoWaste Coalition.
Ang Republic Act 9003, o ang Ecological Solid Waste Management Act, ay nagbabawal sa pagsusunog ng solidong basura at sino man ang lumabag dito ay mumultahan ng P300 hanggang P1,000 o makukulong sa loob ng 15 araw, o pareho sa mga nabangggit depende sa nagawang pinsala.
“The law has banned this old-fashioned form of getting rid of trash because it destroys valuable resources that can be recycled and seriously harms human health and the environment,” sambit ni Lucero.
“Open burning emits harmful chemicals into the air we inhale, including particulate matter, heavy metals and persistent organic pollutants or POPS that would eventually contaminate the soil, water and even the food we eat,” paliwanag niya.
Ang mga campaign material katulad ng mga papel at plastic, poster at fliers ay kontaminado ng kemikal at chlorine, pintura at tinta, diin ng nasabing grupo.
Delikado ang dioxins kapag ito ay napunta sa katawan ng tao na maaaring maging sanhi ng sakit katulad ng cancer, babala ng grupo.
“Recycling the tons of campaign materials instead of burning them will help prevent the formation and release of dioxins and many other dangerous pollutants,” ani Lucero.
Nitong Martes, nagsagawa ng clean-up drive ang grupo sa Quezon City at ipinakita kung paano muling mapakikinabangan ang mga campaign material.
Halimbawa, ang mga paper poster ay maaaring gawing book at notebook covers, envelope at folder, ang mga sample ballots ay maaaring gawing notepads, at ang mga papel ay maaaring gawing bookmarks at picture frames.