TARLAC CITY – Isang biyuda ang dinukutan ng apat na babae habang nakapila para um-order ng pagkain sa isang fast food sa F. Tanedo Street, Tarlac City.

Sa ulat ng Tarlac City Police Station, kinilala ang biktima na si Adoracion Ilac, 66, ng Barangay Sta. Ines East, Santa Ignacia, Tarlac. Laman ng wallet na tinangay sa kanya ang P50,000 cash, mga identification card sa GSIS, PhilHealth, TIN, Senior Citizen’s at dalawang ATM.

Dakong 11:45 ng umaga, nakapila sa counter ang biktima nang dikitan siya ng apat na babae at dukutin ang kanyang wallet.

Sa CCTV footage mula sa fast food, nakita ang mukha ng apat na suspek, na ngayon ay pinaghahanap na ng pulisya. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog