FOLLOW-UP ito sa sinulat namin tungkol sa hindi pagboto ni Robin Padilla nitong nakaraang halalan.

Nagpahayag ang asawa ni Robin na si Mariel Rodriguez na susulat ang abogado ng aktor sa mga nagsabing nilabag nito ang rules and regulations ng Comelec sa pagpapa-picture na hawak ang sample ballot.

Ipinost ni Robin sa Instagram ang sulat ng abogado niyang si Atty. Rudolf Philip B. Jurado ng Jurado Jurado & Associates Law Offices, at ito ang nilalaman:

“We write on behalf of our client Robin C. Padilla.

Tsika at Intriga

Andrea, aminadong may mga 'nagpaparamdam' manligaw pero nililigwak

“In response to the news regarding Mr. Padilla’s alleged shaded ballot supposedly taken while he was voting last 9 May 2016, Mr. Padilla Desires to convey that he never violated any law or rule regarding the alleged photograph of his ballot, since it was neither an official ballot nor taken inside a voting precinct. Mr. Padilla is, at present, legally barred to exercise his right to vote.”

Narito naman ang paliwanag ng aktor kung bakit hindi siya nakaboto.

“I am posting this letter from my lawyer to inform the public that I am not tolerating the present assassination of my character.

“My honor is the only thing that I have in my life, freedom was taken away from me since 1995 presently I am still in conditional pardon without any civil rights.

“2013 came This Government took away my right to bear arms and left me defenseless against evil and political gangsters and now 2016 elections came, me without any voting rights am being judged by some netizens for violating election rules while voting.

“If I did something to this effect, I am calling the Comelec to arrest me and put me to jail if proven that I went to a precinct, voted and took pictures of an official ballot. If proven otherwise then the legal battle should start and make the guilty answer for their actions especially the bullying?”

Marami ang nagulat sa post na ito ng isa sa judges ng Pilipinas Got Talent 5 dahil inaakala ng marami na tapos na ang kaso ni Robin dahil matagal na siyang malaya.

Awa ang naramdaman namin para kay Robin dahil namumuhay siya nang tama at sumusunod sa batas at ni minsan ay hindi na natin nabalitaang nasangkot sa anumang gulo.

At ngayong halalan ay nasubok ang aktor kung hanggang saan siya makakapagtimpi sa mga ibinibintang na hindi naman niya ginawa, na kung tutuusin ay kaya naman niyang magsalita o mag-post din para sagutin ang mga bumatikos, pero idinaan niya ito sa tama, abogado niya ang sumagot.

Sabi naman ni Mariel, “Kawawa talaga si Robin, sobra sila! (bumatikos na taga-showbiz din). At sa kanila pa nanggaling kaya ang sakit.

“Hindi nila alam ang story tapos magsasalita sila ng ganu’n, ‘wag naman sana, kawawa si Robin. Kung may tao na mahal ang bayan, si Robin ‘yun.”

Binanggit sa amin ni Mariel kung sinu-sino ang celebrities na bumatikos kay Robin sa social media gayong iisa lang naman pala ang kandidato na kanilang sinuportahan. (Reggee Bonoan)