Mahigit 10 porsiyento ng mga babae sa U.S., edad 20-pataas, ay may diabetes, at karamihan sa kanila ay hindi natutukoy kung anong uri ng diabetes ang tinataglay sila, ayon sa Americal Diabetes Association. Ang pagkakaron ng diabetes ay hindi lang nakaaapekto sa pang araw-araw na gawain kundi pinatataas din nito ang posibilidad na magkaroon ng iba pang sakit, lalo na kapag hindi ito nagagamot.

Mayroong tatlong klase ang diabetes – type 1, type 2, at ang gestational – at alinman sa mga ito ay maaaring makaapekto sa katawan sa iba’t ibang paraan. Narito ang tatlong uri ng diabetes.

Type 1

Ang type 1 diabetes, kung tawagin ng iba ay insulin-dependent diabetes at kilala ring juvenile diabetes, ay isang kondisyon na ang pancreas ay hindi nagpoprodyus ng sapat – o kahit anong – insulin. Ang insulin ay isang hormone na kailangan ng katawan upang ang sugar (glucose) na patungo sa iyong cells ay mag-produce ng energy. Ang type 1 diabetes ay karaniwang nade-develop sa pagkabata, pero ito ay puwede rin sa matatanda. Kapag napapansin mo na ikaw ay palaging nauuhaw, madalas umihi, nakakaranas ng matinding pagkagutom, nagbabawas ng timbang, mabilis mapagod, at nanlalabo ang paningin, marapat lamang na komunsulta na sa doktor.

National

Benhur Abalos, bumisita kina Ex-VP Leni sa Naga; nag-donate sa typhoon victims

Type 2

Ito ang pinakakaraniwang uri ng diabetes. Sa uri na ito, ang katawan mo ay walang sapat na insulin o hindi ito nagagamit nang maayos. Sa simula pa lamang, ang iyong pancreas ay gumagawa ng maraming insulin, ngunit habang tumatagal ay hindi na sapat ang nagagawa nito. Walang insulin na magdadala ng glucose sa cells para sa energy, masosobrahan sa glucose. Ang mga sintomas nito ay kapareho sa Type 1, pero hindi malubha kundi mas paunti-unti.

Gestational

Ang Gestational diabetes ay nangyayari lamang sa buntis. Kung hindi ka pa nagkakaroon ng diabetes pero mataas ang blood glucose levels nito, maaaring may gestational diabetes na ito. Kung hindi ito magagamot, maaari itong maging sanhi ng problema sa bata, tulad ng higher risk for breathing problems, obesity at type 2 diabetes.

Kung ikaw ay na-diagnose na may diabetes o nakararanas ng mga sintomas nito, marapat lang na magtungo sa iyong doktor upang maagapan na agad ito. (Healthy Women.Org)