Nawalan ng tirahan ang 20 pamilya matapos lamunin ng apoy ang apat na paupahang bahay at isang day care center sa Pasay City, nitong Miyerkules ng gabi.

Sa ulat ni Pasay Fire Department Superintendent Douglas Guiyab, dakong 10:00 ng gabi nang magsimula ang sunog sa kisame ng inuupahang bahay ng isang Noli Tugade sa Advincula Street, Barangay 26, Zone 4. Mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay nito at bahagyang nadamay ang Advincula Day Care Center. Naapula ang sunog dakong 12:45 ng madaling araw kahapon.

Walang naiulat na nasaktan o namatay sa sunog na hinihinalang sanhi ng short circuit sa kuryente. (Bella Gamotea)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'