MIAMI (AP) — Hindi makakasama si Hassan Whiteside sa pagsabak ng Miami Heat laban sa Toronto Raptors sa Game Five ng Eastern Conference semi-final series nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

Ayon kay Heat coach Erik Spoelstra, sumasailalim sa theraphy ang 6-foot-11 forward at malabo itong makalaro ito hanggang sa kabuuan ng serye laban sa Raptors.

Tabla ang duwelo sa 2-2.

Hindi na nakalaro si Whiteside sa panalo ng Heat sa Game Four nitong Lunes bunsod ng sprain sa medial collateral ligament sa tuhod nang bumagsak ito sa kainitan ng laro sa Game 3.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Walang plano ang Heat na ibalik kaagad sa line-up si Whiteside.