Magsasagupa sa bansa ang pinakamagagaling na manlalaro sa volleyball na inaasahang magmamarka muli sa Pilipinas sa pagho-host ng Philippine Super Liga (PSL) ng dalawang higanteng internasyonal na torneo.

Ito ay matapos isasagawa ang Invitational Conference, Beach Volleyball, All-Filipino Conference at season-ending na Grand Prix, isasagawa din ng PSL ang AVC Asian Women’s Club Championship sa Setyembre 3-11, bago sundan ng prestihiyosong FIVB World Women’s Club Championship sa Oktubre 18-23.

Nakahanda na ang lahat para sa pagpapatupad ng PSL sa dalawang torneo saan isinagawa na nito ang drawing of lots para sa Asian joust nakaraang linggo habang nagtungo sa bansa si FIVB executive committee member Stav Jacobi para ipormalisa memorandum of agreement para sa pagdadala sa bansa ng world tourney.

Isusuot ng kasalukuyang PSL Grand Prix champion Foton ang national color sa torneo ng AVC, habang ang PSL at FIVB naman ang bubuo sa koponan na tampok ang anim na local player at anim na mahuhusay na import ang bibitbit sa bansa sa highly-competitive na FIVB Women’s Club.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Maliban sa pagho-host sa dalawang event, sinisiguro rin ng PSL na ang home team ay hindi mapapahiya sa laban.

Una nang inihayag ng Foton ang pagnanais nitong mabuo ang pinakamalakas na koponan kasama ang American import na sina Ariel Usher at Lindsay Stalzer.

Hiniram din ng Toplander ang serbisyo ng iba pang PSL stars tulad nina Aby Marano ng F2 Logistics, Jen Reyes at Aiza Pontillas ng Petron, at sina Jovelyn Gonzaga, Tina Salak, Honey Royse Tubino at Rachel Anne Daquis ng RC Cola-Army upang mabuo ang matikas na komposisyon sa pagnanais nitong gulantangin ang kalapit bansa sa Asya.

“We’re leaving no stone unturned,” sabi ni Suzara. “This will be our first hosting of a world volleyball tournament after 16 years and the first time to have a home team. We want to make sure that we will not be battered on our home court while giving our local players, coaches and even fans a ringside view of how things are being done in the international level.”

Huling nag-host ang bansa ng isang de-kalibreng torneo noong 2000 FIVB World Grand Prix.

Bagamat hindi nabigyan ng silya makalaro ang Pilipinas, inagaw nito ang interes ng manonood sa pagdadala sa world volleyball sensation na si Leila Barros ng Brazil, gayundin sina Maurizia Cacciatori at Francesca Piccinini ng Italy dahil sa kanilang husay, talento at kagandahan. (Angie Oredo)