Mayo 12, 1918 nang dayain ng German at Austro-Hungarian ang isang kasunduan sa pagtatamasa ng benepisyo sa ekonomiya ng Ukraine, na nagdeklara ng kalayaan nito, noong Enero ng nasabing taon. Makalipas ang isang linggo, nag-alsa ang ilang Slovenian nationalist sa Austro-Hungarian forces.

Nilagdaan ng mga bagong Rada government leader ng Ukraine ang isang kasunduang pangkapayapaan kasama ang Central Powers noong Pebrero 9, 1918, kung saan ipinangako ng Germany at Austria-Hungary ang proteksiyon laban sa mananakop na Russian, at kikilalanin ang Ukranian National Republic.

Gayunman, kinakailangan pagkalooban n-g Ukraine ang Germany ng halos 100 milyong tonelada ng pagkain.

Kilala ang Ukraine sa yamang mineral, partikular na sa coal at iron. Karamihan sa teritoryo ay kabilang sa Russian empire noong 1793, at ang Galicia principality ay nakapailalim sa Austro-Hungarian empire.
Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?