Patay ang isang 41-anyos na rider matapos bumangga ang sinasakyan niyang motorsiklo sa isang taxi na nagmamaneobra sa isang U-turn slot sa Quezon City, nitong Martes ng gabi.

Sa ulat ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit (DTEU), kinilala ang biktima na si Wilver Boquiren, residente ng Area D, Camarin.

Nakilala ang driver ng taxi na si Obed Palicpic, 45, na agad sumuko sa pulisya matapos ang insidente.

Base sa isinagawang imbestigasyon, binabagtas ni Boquiren ang Quezon Avenue sakay ng kanyang Suzuki motorcycle (6285 PQ) nang bumangga ito sa taxi ni Palicpic dakong 7:45 ng gabi nitong Martes.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi ng pulisya na biglang pumihit ang taxi sa isang U-turn slot kaya nasalpok ito ng motorsiklo ni Boquiren.

Sinabi ng ilang saksi na matulin ang motorsiklo nang tamaan nito ang likurang bahagi ng taxi bago tuluyang sumemplang.

Idineklarang dead on arrival si Boquiren sa Capital Medical Center.

Kasalukuyan namang nakakulong sa detention cell ng DTEU, sa Camp Karingal, si Palicpic. (Vanne Elaine P. Terrazola)