KUALA LUMPUR, Malaysia (AP) — Sinabi ng gobyerno ng Malaysia nitong Huwebes na dalawa pang piraso ng debris, na nadiskubre sa South Africa at Rodrigues Island sa dulo ng Mauritius, ay “almost certainly” na mula sa Flight 370, iniakyat sa lima ang kabuuang bilang ng mga piraso na posibleng nagmula sa nawawalang eroplano ng Malaysian Airlines.
Ang eroplano ay misteryosong naglaho mahigit dalawang taon na ang nakalipas sakay ang 239 katao, at walang nakuha sa malawakang paggalugad sa Indian Ocean sa bahagi ng Australia.
Ang dalawang bagong natukoy na piraso ay natagpuan noong Marso.
Sinabi ni Malaysian Transport Minister Liow Tiong Lai na ang isa ay piraso engine cowling na may partial logo ng Rolls-Royce, at ang isa pa ay ang piraso ng interior panel mula sa cabin ng eroplano — ang unang interior part na natagpuan mula sa nawawalang Malaysia Airlines Boeing 777 aircraft.