Ibinaba na ng Philippine National Police (PNP) sa normal ang security alert status matapos ang inilarawan nitong matagumpay at mapayapang pagdaos ng presidential at local elections sa bansa.

Inihayag ni Chief Supt. Wilben Mayor, PNP spokesman, na naging epektibo ang normal alert status eksaktong 8 a.m. nitong Miyerkules (Mayo 11, 2016) matapos ang security assessment sa buong bansa at lumabas na walang seryosong banta bunsod ng halalan noong Lunes.

“Some of the policemen we deployed have already started going back to their mother units. The rest are expected to pull out soon,” pahayag ni Mayor.

“With all the situation normalizing, the Chief PNP (Director General Ricardo Marquez) instructed to lift the full alert status,” dagdag niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pinuri ni Mayor ang lahat ng pulis na nakibahagi sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa buong bansa simula ng mag-umpisa ang campaign period para sa national candidates noong Enero 10.

“In behalf of the PNP Chief, we commend PNP personnel for the election duties. We thank them for their sacrifices in securing election paraphernalia to ensure that the voice of the people are represented and heard,” sabi ni Mayor.

Nagpasalamat din siya sa kanilang mga partner sa Armed Forces of the Philippines at sa mga guro na nagsilbing Board of Election Inspectors. (AARON B. RECUENCO)