Pinaiimbestigahan na ng Commission on Elections (Comelec) ang malaking pagkakaiba ng mga botong nakuha ni dating Senador Juan Miguel Zubiri sa transparency server ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at certificate of canvass (CoC) ng Comelec, na tumatayo bilang National Board of Canvassers (NBOC).

Nauna rito, kinuwestiyon ng mga abogado ng senatorial candidate kung bakit magkaiba ang bilang ng mga boto ni Zubiri sa transparency server ng PPCRV, na accredited citizen’s arm ng Comelec at nagsasagawa ng quick count sa eleksiyon, sa isinasagawang official canvassing ng Comelec.

Ipinunto ng mga ito na sa server ng PPCRV, lumitaw na nakakuha ang dating senador ng botong 186,725 sa Davao del Norte, ngunit pagdating sa canvassing ng Comelec ay 184,262 na lamang.

Ganito rin anila ang nangyari sa boto sa Misamis Oriental kung saan ang nakuhang boto ni Zubiri sa tala ng PPCRV ay 385,410, habang sa Comelec naman ay 222,559 lang.

'Walang matitira, ubos sila!' Netizens napa-react na i-firing squad mga korap

Kaagad namang ipinag-utos ni Comelec Chairman Andres Bautista na maimbestigahan ng Comelec secretariat ang reklamo ng kampo ni Zubiri na sa kasalukuyan ay pasok sa Magic 12 ng senatorial race. (Mary Ann Santiago)