Inakusahan ni Senator Miriam Defensor-Santiago ang gobyerno ng pag-iimbento ng mga boto para matiyak na mananalo si Camarines Sur Rep. Leni Robredo sa pagka-bise presidente laban sa kanyang running-mate na si Senator Ferdinand Marcos Jr.,

Kinuwestiyon din ni Santiago ang biglaang pagdami ng boto ni Robredo na lumamang ng halos 200,000 kay Marcos batay sa hindi opisyal na bilangan.

“The roller coaster ride of vice-presidential candidate Ferdinand Marcos, Jr. invites comparison with a garrison state. In such a state, the authoritarian government feels free to manufacture numbers as they are needed,” ani Santiago.

Nagtataka rin si Santiago kung bakit nakauungos si Robredo gayung sa mga nakaraang survey ay si Marcos ang nangunguna sa loob ng ilang buwan bago pumantay dito ang kongresista.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“I find it astounding that Marcos should have led in the vice-presidential surveys for many months, until the penultimate month, when suddenly the administration could jump up survey results to finally overtake him,” sabi ni Santiago.

Una nang itinanggi ni Robredo na may mga balak ang kanyang partido na Liberal Party na dayain ang resulta ng eleksiyon, iginiit na hindi magandang maakusahan ng pandaraya. (LEONEL ABASOLA)