Invictus Games

ORLANDO, Fla. (AP) — Kakaiba ang aspeto ng buhay, ngunit nanatiling palaban si Sarah Rudder.

Matapos maputulan ng paa sa pag-atake ng terorista noong Sept. 11, 2001, higit na naging matapang at palaban ang dating U.S. Marines at sa pagkakataong ito sa larangan ng sports.

Hataw si Rudder sa napagwagiang pitong gintong medalya sa Invictus Games – palaro para sa mga atletang may kapansan na itinatag ni Prince Harry ng Great Britain – nitong Martes (Miyerkules sa Manila).

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

“It was amazing,” pahayag ni Rudder.

“It shows that just because I’m an amputee doesn’t mean I can’t go out and put my heart and soul on the track or any event that I do.”

Naghahanda na si Rudder para sa kanyang promosyon nang salakayin ng terorista ang Amerika. Nakaligtas siya sa pambobomba sa Pentagon, ngunit sa kanyang pagtulong sa mga naipit na biktima, naipit at nabagsakan siya ng mga bato at bakal dahilan para maputulan siya ng paa.

“The pain was debilitating,” pahayag ni Rudder. “I couldn’t take it anymore.”

Sa kabila nito, namuhay siya ng normal at hindi nawalan ng pag-asa. At nakita niya ang sports na isang paraan para makaiwas sa pagkabagot at mapanatiling malusog ang pangangatawan.

Naging bahagi siya ng Wounded Warrior program at napasali sa Invictus Game sa Disney’s ESPN Wide World of Sports Complex sa Orlando.

Napagwagihan ni Rudder ang gintong medalya sa lightweight powerlifting competition at one-minute indoor rowing competition.

Nadagdagan niya ito sa panalo sa discus at 100 meters bukod sa silver medal sa four-minute indoor rowing, shot-put at 200 meter dash.

May kabuuang 400 na sugatang sundalo at may karamdamang service personnel ang nakibahagi sa Invictus Games.

“I served along with soldiers from all over the world,” sambit ni Prince Harry sa opening ceremony. “I saw the sacrifices they and their families made to serve their nations. I learned about the importance of team work and camaraderie in the way that only military service can teach you.”