Ikokonsidera ng Commission on Elections (Comelec) ang landslide victory ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa katatapos na eleksiyon sa pagtalakay at pagdedesisyon ng poll body sa kaso ng diskuwalipikasyon na kinahaharap nito.

Ito ang inihayag ni Comelec Chairman Andres Bautista matapos manguna si Duterte sa presidential race at kasunod ng pag-concede na ng ilang nakatunggali nito dahil na rin sa mahigit limang milyong boto na lamang sa sumusunod sa kanya.

Ayon kay Bautista, kailangang magbigay-galang ang Comelec sa mandato na ibinigay ng mamamayang bumoto at nagtiwala kay Duterte.

Matatandaang kinasuhan ng diskuwalipikasyon si Duterte dahil hindi umano siya maaaring maging substitute ng orihinal na standard bearer ng PDP-Laban na si Martin Diño, na ang nakalagay sa isinumiteng Certificate of Candidacy (CoC) ay kandidato ito sa pagka-alkalde sa Pasay City.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Una nang ibinasura ng Comelec First Division ang naturang petisyon ngunit iniapela ito ng mga petitioner.

“Pag-aaralan po natin ‘yan (disqualification case). Pero siyempre, alam naman natin na kailangang magbigay-galang tayo sa mandato na ibinigay ng mga taong bumoto sa kanya,” ani Bautista, at inamin nai-raffle na ang magiging ponente ng desisyon sa kaso pero hindi tinukoy kung sino ito. (Mary Ann Santiago)