Hinimok ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz ang mga Pilipino na illegal na naninirahan sa South Korea na samantalahin ang anim na buwang voluntary deportation program ng nasabing bansa para makaiwas re-entry ban.
Ipinatutupad ng South Korean government ang kusang-loob na pag-alis sa bansa ng mga illegal migrant, simula nitong Abril 1 hangang Setyembre 30, 2016.
“We are enjoining undocumented Filipinos in South Korea to avail of this program, thus avoid being entangled with South Korea’s immigration laws,” panawagan ni Baldoz.
Pansamantalang sinuspinde ng South Korea ang immigration policy nito sa re-entry ban para sa mga kusang loob na aalis sa bansa upang makaligtas pagkakakulong at limang taong re-entry ban na ipinapataw sa mga overstaying alien.
May 54,437 Pilipino ang naninirahan sa South Korea at 12,364 sa kanila ay illegal na namamalagi o nagtatrabaho sa bansa. (Mina Navarro)