SA wakas, nanalo na si Richard Gomez bilang mayor ng Ormoc City ngayong halalan.
Iprinoklama na ng board of canvassers si Richard bilang bagong ama ng Ormoc pagkatapos ang mahigpitang laban sa katunggaling si Ondo Codilla (Liberal Party).
Ayon sa data transmitted by the Commission on Elections, nakakuha si Richard (Nationalist People’s Coalition) ng 53,234 votes at si Ondo naman ay may 44,453 votes.
Sweet victory ito para kay Goma pagkatapos ng apat na pagkabigo sa pulitika. Una siyang tumakbo bilang party-list representative ng MAD (Mamamayan Ayaw sa Droga) pero diniskuwalipika sila ng Supreme Court.
Taong 2007, muling tumakbo si Richard bilang senador, pero hindi siya pinalad.
Noong 2010, sinubukan muli niyang tumakbo for a seat in the House of Representatives pero Luz Valdez pa riin ang aktor.
Sa kanyang pang-apat na pagsubok sa pulitika noong 2013, sinubukan niyang maging mayor in Ormoc City pero nilamangan siya sa bilangan ng kalabang si Edward Codilla.
Masasabi na malaking tulong ang muling pag-angat ng career ni Goma bilang actor, ito ang nakikitang plus factor sa kanyang pagkakapanalo.
Dahil magiging public servant na rin siya sa kanyang pag-upo bilang mayor next month, aniya’y malaking desisyon sa kanya ang pagtalikod sa showbiz at pagharap sa bagong tungkulin.
“It was a big decision for me. Kasi ang ganda ng takbo ng career ko. This year, last year, and next year will be a better career for me as an actor,“ sey ng morenong aktor.
May double celebration ang pamilya ni Goma dahil nanalo uli bilang congresswoman ng 4th district ng Leyte ang kanyang wifey na si Lucy Torres. (ADOR SALUTA)