Naghahangad na palakasin ang kanilang line-up para mapalakas ang kampanya sa susunod na season, kinuha ng Star Hotshots ang serbisyo ng mga manlalaro ng Phoenix na sina RR Garcia at Rodney Brondial at Keith Jensen ng Globalport sa bisa ng trade.

Bilang unang hakbang para mapataas ang performance ng Hotshots, kinuha ni coach Jason Webb sina Jensen at Jonathan Uyloam sa Batang Pier kapalit nina Yousef Taha at Ronald Pascual.

Kasunod nito, ibinigay naman nila si Uyloan kasama ang mga rookies na sina Mark Cruz at Norbert Torres sa Phoenix kapalit ng dating Ginebra forward na si Brondial.

Naniniwala si Webb na akma ang tatlong bagong players sa bagong sistema na ipinapatupad nya sa Hotshots na run-and-gun.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Matatandaang, nahirapan ng husto ang Hotshots na makapag - adjust sa naturang istilo buhat sa nakasanayang triangle offense mula sa dating coach na si Tim Cone.

Dahil dito, kitang- kita kung paano sila nangapa sa kanilang laro at nabigong umangat mula sa naunang dalawang conference. (Marivic Awitan)