Nagbabala ang Department of Labor and Employment (DoLE) sa publiko laban sa mga mapanlinlang na indibidwal na sumasakay sa mga job fair ng ahensiya para biktimahin ang mga naghahanap ng trabaho.

“I am sad to say there are unscrupulous individuals who use our own job fairs as a venue to peddle illegal recruitment scams and lure unsuspecting jobseekers to fall in their dubious machinations.

I warn jobseekers to report them at once to us so that we can take appropriate action,” pahayag ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz.

Inilabas ng kalihim ang babala matapos makatanggap ng ulat mula sa isang employer sa Davao City na may mga indibidwal na sumasakay sa mga job fair ng DoLE sa pamamagitan ng pamamahagi ng papel sa mga aplikante na umano'y nagmumula sa isang pagtanggap ng empleyado ng kumpanya o organizer ng job fair, at humihingi ng personal na detalye tulad ng cellphone number at email address.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kalaunan kokontakin ng mga scammer ang aplikante at sasabihan na sila’y napili at oobligahin na magdeposito ng P1,000-1,500 sa isang money remittance company para diumano sa pre-employment processing at physical exam.

Pagkatapos ng magdeposito ng aplikante ay ibibigay niya ang mga detalye sa diumano’y kumpanya para sa karagdagang mga tagubilin.

Gumagamit ang mga scammer ng pekeng pangalan ng kumpanya o Human Resources staff bilang contact person.

Kaugnay nito, kinalampag ng kalihim ang lahat ng DoLE regional offices na maging alerto sa ganitong modus operandi at kaagad magsumbong sa pulisya.

“I also urge our partners from Public Employment Service Offices in local government units to be on alert of this new scam and help us disseminate this warning to people in their localities,” wika ni Baldoz. (Mina Navarro)