Masusubok ang kakayahan ng walang talong Pinoy boxer na si dating WBF super featherweight champion Harmonito dela Torre na aakyat ng timbang sa kanyang unang laban sa United States laban kay dating WBC Youth lightweight champion Guillermo Sanchez ng Puerto Rico sa Mayo 27, sa Seneca Niagara Resort & Casino, Niagara Falls, New York.

Taglay ang kartadang 17-0 kabilang ang 12 sa pamamagitan ng knockouts, inaasahang magtatala si Dela Torre ng unang panalo sa kampanya sa Amerika para pumasok sa world ranking ng mga sikat na samahan sa boxing.

Naging WBF world champion si Dela Torre nang talunin sa 1st round knockout si dating WBO Asia Pacific super flyweight champion Isaac Junior ng Indonesia sa sagupaang ginanap noong Setyembre 13, 2014, sa Gen. Santos City sa South Cotabato.

Naging New York State junior lightweight champion muna si Sanchez bago natamo ang bakanteng WBC Youth lightweight title noong Abril 22, 2011 nang talunin sa puntos ang Amerikanong si Eddie Ramirez. (Gilbert Espeña)

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe