Umaasa ang China na makakatrabaho ang bagong gobyerno ng Pilipinas para sa pagreresolba sa iringan sa teritoryo sa South China Sea.
Sinabi ni Foreign Ministry spokesman Lu Kang noong Martes na umaasa ang Beijing na ang Pilipinas “[we’ll] meet China halfway” at magkaroon ng mga kongkretong hakbang upang muling bumuti ang relasyon.
Binanggit ni Lu na dati nang magkaibigan ang dalawang bansa, ngunit nagkaproblema ang bilateral relations nitong mga nakaraang taon, na ang dahilan aniya ay “known to all.”
Nagbabatuhan ng akusasyon ang China at Pilipinas sa pag-aagawan sa teritoryo sa South China Sea. Sinabi ng napipintong maging pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte na direkta siyang makikipagnegosasyon sa China kaugnay sa iringan.
Gayunman, kapag nabigo ang negosasyon, itatanim niya ang bandila ng Pilipinas sa isa sa mga artipisyal na isla ng China. (AP)