BAGUIO CITY - Iprinoklama ng provincial board of canvassers ng Commission on Elections (Comelec) ang bagong gobernador ng Mountain Province, na humalili sa ama nito at unopposed na si Gov. Leonard Mayaen, na biglaang pumanaw.

Bukod kay Atty. Kathy Jill Mayaen, iprinoklama rin ng Comelec ang isa pang walang kalaban na si Maximo Dalog para kongresista, at si Vice Gov. Bartolome Lacwasan.

Sinani ni Comelec Provincial Officer Elenita Julia Tabangin-Capuyan na napagkasunduan sa meeting ng board of canvassers na iproklama si Atty. Mayaen kahit na wala pang desisyon ang main office ng Comelec sa inihain nitong Ceriticate of Candidacy (CoC) bilang substitute ng yumaong ama.

Matatandaang Marso 31 nang namatay sa cardiac arrest si Gov. Mayaen.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang paghahain naman ng CoC ni Atty. Mayaen nitong Mayo 5 ay ibinase sa probisyon ng Comelec Resolution 8894, Section 19, na nakasaad na ang isang kandidato na namatay, kahit independent, ay puwedeng palitaan ng pamilya na may kapareho nitong apelyido. (Rizaldy Comanda)