KATHMANDU, Nepal (AP) – Sinabi ng mga opisyal na dalawang British at isang Mexican climber, kasama ang tatlong Nepalese guide, ang nakaakyat sa Mount Everest, ang unang mga banyaga na nakarating sa tuktok matapos ang dalawang taon.

Sinabi ni Ang Tshering ng Nepal Mountaineering Association na anim na climber ang nakarating sa 8,850-meter (29,035-foot) na tuktok nitong Huwebes ng umaga at pababa na para magkampo.

Ang mga British climber ay sina Kenton Cool at Robert Richard Lucas at ang Mexican ay si David Liano Gonzalez.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture