Hindi mapapanood ng kanyang mga kababayan si mixed martial arts superstar Anderson Silva sa gaganaping Ultimate Fighting Championship (UFC) 198 sa Brazil, sa Sabado (Linggo sa Manila)

Sasailalim ang UFC top fighter sa operasyon matapos dumaing ng pananakit ng tiyan sa nakalipas na mga araw.

Ayon kay UFC president Dana White, inalis nila sa fight card si Silva para mapagtuunan ng pansin ang kanyang kalusugan. Kinakailangang maoperahan kaagad ang 41-anyos na si Silva sa kanyang gall bladder.

Nakatakda sana niyang makaharap si Uriah Hall ng Jamaica.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Wala pang opisyal na pahayag ang UFC hinggil sa papalit sa puwestong iniwan ni Silva, isa sa charismatic fighter ng UFC at itinuturing na patok sa takilya.

Samantala, lumalakas ang ugong hinggil sa pagbabalik ni boxing champion Floyd Maywether, Jr. sa lona, ngunit sa pagkakataong ito sasabak siya sa UFC fight card.

“This is good for sports, if pushed through,” sambit ni White.

Aktibo na umano ang usapin ang kampo ni Mayweather na sumabak sa UFC kontra sa sikat na si Gregor McGregor .