Nabigo si dating WBO minimumweight champion Merlito “Tiger” Sabillo ng Pilipinas na maiuwi ang OPBF title nang matalo sa 12-round split decision kay Japanese Riku Kano sa Sanda City, Hyögo, Japan.

Nakipagsabayan si Sabillo kay Kano, ngunit kahit lamang siya sa palitan ng mga bigwas ay nanaig pa rin ang Hapones sa hometown decision.

“Filipino judge Dan Nietes had Sabillo the winner, 115-113, but Japanese judge Nobuyuki Kitamuar and Chinese judge Raymund Chang saw it identically at 117-111 for Kano,” ayon sa ulat ng Philboxing.com.

Samantala, hahamunin ni Benjie Suganob ng Pilipinas ang walang talong si OPBF super bantamweight champion Shun Kubo sa Mayo Central Gym, Kobe, Hyogo, Japan.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Ito ang ikalawang pagkakataon ni Suganob na lalaban para sa regional title matapos matalo sa hometown decision kay Thai Pathomsit Pathompothong sa Bangkok, Thailand noong Agosto 8, 2015. (Gilbert Espeña)