LONDON (Reuters) – Nahuli si Queen Elizabeth II sa camera na nagsasabing “very rude” ang Chinese officials sa British ambassador sa panahon ng state visit sa Britain ni President Xi Jinping noong nakaraang taon.

Nagsalita siya sa isang garden party sa Buckingham Palace nitong Martes, ang parehong araw na nahuli ng camera si British Prime Minister David Cameron na nagsasabing mga kurakot na bansa ang Nigeria at Afghanistan.

Sa footage na isinahimpapawid ng BBC, makikitang nakikipagpulong ang reyna kay senior police officer Lucy D’Orsi, na namahala sa seguridad ng pagbisita ni Xi noong Oktubre.

Sinabi ni D’Orsi na “quite a testing time” ang pag-eestima sa Chinese officials. Sumagot ang reyna na: “They were very rude to the ambassador.”

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'