Naniniwala si Senator Cynthia Villar na sa pamamagitan ng pangangalaga sa kalikasan ay matitiyak ng gobyerno ang pagpapalawig sa seguridad sa pagkain para sa mamamayan.

“Any talk about food security and sustainability of our resources is closely linked with environment protection or protection of our land and water, hence my advocacy for organic farming, sustainable agriculture and agro-ecology,” ani Villar.

Aniya, pangunahing konsiderasyon ang agroecological methods na kasalukuyang ginagamit para paigtingin ang produksiyon sa agrikultura kabila ang patuloy na pagkakalagas ng mga likas na yaman ng bansa.

Dahil sa umaabot na sa 38 porsiyento ang soil degradation sa bansa, binigyan-diin ng senadora ang kahalagahan ng pagbabawas sa agricultural input sa pagsasaka, gaya ng chemical fertilizer at insecticide.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Bukod dyan, ang inorganic pesticides at fertilizers ay mahal at nagpapaliit sa income ng farmers. That is why we encourage farmers to produce their own organic fertilizers, and provide them the equipment and training to do so,” sabi pa ni Villar, chairman ng Senate Agriculture and Food Committee.

Sinabi ni Villar na nagtayo siya ng composting centers sa lahat ng barangay sa Las Piñas City upang gawing organic fertilizer ang kitchen at garden waste.

Ito ay ibinibigay nang libre sa mga magsasaka at nagtatanim ng gulay. (Leonel Abasola)