IMINUNGKAHI ni Department of Health (DOH) Secretary Janette L. Garin sa susunod na administrasyon nag awing individual basis ang pagpapamiyembro sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), ayon sa ulat ni Leilani S. Junio ng Philippine News Agency (PNA).
“I will be happy if the next administration will make the enrollment (in PhilHealth) on individual basis because that is the only time that we are going to identify the ‘missed members’ of the population,” pahayag ng Health chief.
Ayon kay Garin, sa kasalukuyan ay para lamang sa pamilya ang membership ng PhilHealth, ibig sabihin, ang head ng pamilya na siyang nagbabayad ng PhilHealth ay ang principal member at kanyang mga anak ay dependents nito.
Ayon pa kay Garin, sa pamamagitan ng PhilHealth enrollment individual basis, mas madali para sa gobyerno na kilalanin ang target habang inaalam ang actual figures.
“That is the only time wherein we can say that truly, there is universal health coverage in the country,” dagdag ng Health chief, at sinabing ang libro na maiipon ay ipapasa sa susunod na DOH chief
upang masiguro na ang health programs maipagpatuloy at mapalago.
Sinabi rin ni Garin na maaari ring isulong ng susunod ng administrasyon ang proposal para sa pagbabawas ng out-of-pocket expenditures ng mga pasyente.
“There is no perfect program, but what is best for all of us is to assess each program, accept windows where improvement can be done, and start working,” pahayag ni Garin.