Laro ngayon
(Smart -Araneta Coliseum)
7 n.g. – Alaska vs ROS
Makalapit tungo sa inaasam na kampeonato ang tatangkain ng Rain or Shine sa pagpuntirya ng 3-0 bentahe kontra Alaska para sa 2016 PBA Commissioner’s Cup.
Haharapin ng Painters ang Aces sa ganap na 7:00 ng gabi sa Game 3 ng kanilang best-of-seven championship series sa Araneta Coliseum.
Sa ikalawang sunod na pagkakataon, nagsilbing bayani sa Painters ang nagbabalik mula sa knee injury na si Paul Lee.
Isang buzzer-beater ng tinaguriang “Angas ng Tondo” ang nagsalba sa kanyang koponan sa ikalawang laro ng kampeonato na nagtapos sa iskor na 105-103.
“Nakita ko malakas yung tira ni Beau (Belga).Tendency kasi ng player pag ganun, feeling ko, mahalaga yung rebound eh,” ayon kay Lee. “Binuwenas lang talaga ako na dun tumama yung bola at napunta lang sa kabilang side.”
Ngunit, para kay coach Yeng Guiao, hindi aksidente at hindi nagkataon lamang ang lahat.
“He’s just back to his leadership role,” pahayag ni Guiao, patungkol kay Lee na nagsisikap na makabawi matapos niyang ma-injured sa kanyang tuhod noong 2015 Governors Cup.
“Masaya ako kasi nakabalik na ako,” ayon naman kay Lee na inaasahang muling mangunguna para sa Painters sa muli nilang pagtutuos ng Aces.
“Perfect timing. Sana magtuluy-tuloy.”
Sa kampo ng Aces, inamin ni coach Alex Compton na muli na namang nagkulang ang kanyang koponan na kilala sa pagiging defense oriented sa final stretch ng Game Two.
“We talked about how every second counts and how we need to make less mistakes and be smarter,” pahayag ni Compton.
“And again, to the very end, we have a breakdown, we don’t execute what we want to do, and they score.”
“We talked about how every second counts and how we need to make less mistakes and be smarter,” ayon pa sa Aces mentor. And again, to the very end, we have a breakdown, we don’t execute what we want to do, and they score.”
“We’re going to have to earn it with a lot more precision.”
Kinakailangan ng Aces ang tagumpay ngayon upang makaiwas sa tiyak na kabiguan. Wala pang koponan sa kasaysayan ng PBA na nakabangon ang isang koponan mula sa 0-3 pagkakabaon. (Marivic Awitan)