Maagang sinimulan ng daan-daang tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang paglilinis sa tambak na basura sa mga kalsada at polling precinct gayundin ang pagbabaklas ng campaign materials sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila kahapon.

Una nilang hinakot ang mga nagkalat na election paraphernalia at manu-manong tinungkab ang mga nakadikit sa mga pader at poste. Pahirapan ang pagtatanggal ng mga poster sa mga pader at poste na kinailangan pang buhusan ng tubig upang lumambot sa pagkakadikit.

Nakiusap ang MMDA sa mga nanalo at natalong kandidato na tumulong sa pagbabaklas ng mga ikinabit nilang campaign materials. (Bella Gamotea)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador