Target ng NCAA team University of Perpetual Help at Arellano University na makopo ang ikatlong panalo para manatiling matatag sa Group A sa magkahiwalay na laro ngayon sa pagpapatuloy ng Fil-Oil Flying V Preseason Premier Cup, sa Fil-Oil Flying V Centre sa San Juan CIity.

Makakatunggali ng Altas, galing sa 78-66 panalo sa National University, ang Emilio Aguinaldo College na galing naman sa kabiguan sa una nitong laban sa kamay ng Chiefs, 72-79 sa ikalawang laro ganap na 11:15 ng umaga matapos ang una at nag-iisang laro sa juniors sa pagitan ng EAC-ICA at ang La Salle Greenhills ganap na 9:30 ng umaga.

Kasunod naman nilang sasalang ang Arellano sa ikatlong laban ganap na 1:30 ng hapon kontra St. Benilde na wala pang naipapanalo makaraan ang dalawang laro.

Sa dalawa pang seniors match magtutuos naman ang San Sebastian College at ang NU ganap na 3:15 ng hapon habang maghaharap sa tampok na laro ang reigning UAAP champion Far Eastern University at ang University of the Philippines ganap na 5:00 ng hapon.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Magkakasalo sa kasalukuyan sa ikalawang puwesto ng kanilang grupo ang Tamaraws, Bulldogs at ang Stags na may patas na barahang 1-1.

Matapos manalo sa una nilang laro, tinambakan ng Chiefs ang Tamaraws sa ikalawa nitong laban, 92-70.

(Marivic Awitan)