Isang panibagong larangan ang tatahakin ni dating Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) Manny Lopez matapos na magwagi bilang Kongresista para sa District 1 ng Manila.

Nanaig si Lopez, dati ring first vice president ng Philippine Olympic Committee (POC), sa kanyang karibal tangan ang kabuuang 55,315 boto sa ginanap na halalan nitong Lunes.

Nasa ikasiyam na puwesto naman para sa top 12 ng Senatoriable si eight-division world champion Manny Pacquiao na may nakalap na 14, 952, 141 boto sa kasalukuyang unofficial count.

Ang dating national fencer na si Richard Gomez ay nagwagi rin bilang Mayor ng Ormoc City.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Hindi naman sinuwerte ang dating Asian taekwondo gold medalist na si Ali Atienza matapos na pumangalawa lamang sa pagka-vice mayor sa Manila. (Angie Oredo)