SACRAMENTO, California (AP) – Mula Memphis, biyaheng Sacramento si coach Dave Joerger.

Dalawang araw matapos sibakin bilang head coach ng Memphis Grizzlies, kinuha ng Sacramento Kings ang serbisyo ni Joerger para gabayan ang koponan sa susunod na season.

Pinalitan niya si future hall-of-famer George Karl at tinanghal na ikasiyam na head coasch ng prangkisa mula nang huling makarating sa playogg ang Kings sa pangangasiwa ni coach Rick Adelman noong 2006.

“He is a strong and passionate leader with a proven track record of producing results,” pahayag ni general manager Vlade Divac.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

“Dave shares our focus on creating a long-term culture of winning and I look forward to a bright future ahead for the Kings with his leadership on the court,” aniya.

Tangan ni Joerger ang 147-99 marka sa tatlong season sa Grizzlies kung saan matagumpay silang nakararating sa playoff. Nagabayan niya ang koponan sa 42 wins ngayong season para makausad sa playoff, ngunit winalis lamang sila ng San Antonio Spurs sa first round.

Ayon sa Kings management, lumagda ng tatlong taong kontrata si Joerger na nagkakahalaga ng US$12 milyon