PARIS (Reuters) – Umamin si French Finance Minister Michel Sapin noong Miyerkules na hindi tama ang ikinilos niya sa isang babaeng mamamahayag, ilang araw matapos mapilitang magbitiw ang vice-president ng lower house ng parliament dahil sa sex scandal.
Sinabi ni Sapin na pinagsisihan niya ang kanyang ginawa ngunit iginiit na hindi iyon “harassment or sexual assault”.
“During a trip to Davos in January 2015, amid about 20 people, I made a comment to a journalist about her clothing and put my hand on her back,” sabi ni Sapin, sa isang pahayag na itinanggi ang isinulat ng French journalists sa isang libro kamakailan tungkol sa nangyari sa World Economic Forum.
“There was no aggressive or sexual intent in my conduct but the mere fact that the person was shocked shows that those words and this gesture were inappropriate, and I was, and still am, sorry,” aniya sa pahayag na ipinadala sa Reuters kahapon.