MEXICO CITY (Reuters) – Nagpasya ang isang Mexican judge na maaaring pabalikin ang drug lord na si Joaquin “El Chapo” Guzman para harapin ang mga kaso sa United States noong Lunes, ilang araw matapos siyang ilipat sa kulungan sa Ciudad Juarez malapit sa U.S. border.
Si Guzman, ang boss ng makapangyarihang Sinaloa Cartel, ay ilang taong wanted sa drug trafficking hanggang sa mahuli siya ng Mexican Marines noong Pebrero 2014. Kasunod nito ay ipinahiya niya ang gobyerno nang makatakas sa kulungan padaan sa tunnel noong Hulyo. Muli siyang nahuli ng gobyerno nitong Enero at tiniyak ni President Enrique Pena Nieto ang agarang extradition ni Guzman, na may kasong money laundering, drug trafficking, kidnapping at murder sa Chicago, Miami at New York.