100516_ERAPPROCLAMATION_04_ANTE copy

HINDI lang sa aktingan tinatangkilik ang mga artista kundi maging sa pulitika rin dahil maraming mahuhusay sa kanila sa serbisyo publiko.

Ilan sa kanila ang muling inihalal nitong Lunes sa iba’t ibang national at local positions.

Sa huling partial at unofficial count sa mga kandidato sa pagkasenador, dakong 1:38 ng hapon kahapon, nasa ikatlong puwesto sa Magic 12 ang re-electionist na si Sen. Vicente “Tito” Sotto. Hindi naman gumagalaw sa ikawalong puwesto ang Pambansang Kamao na si Sarangani Rep. Manny Pacquiao (Number 8).

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Si Herbert Bautista pa rin ang magiging alkalde ng Quezon City dahil sa napakalaking lamang niya sa katunggali, samantalang naiproklama nang nanalo para sa ikalawang termino ang re-electionist na si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada.

Nangunguna si Jhong Hilario sa bilangan ng mga tumakbo for councilor sa District 1 ng Makati City, si Alfred Vargas ay nakakuha ng 100% votes sa ikalimang distrito sa Quezon City, at kasalukuyan namang nasa gitna ang ranking ni Roderick Paulate bilang councilor ng 2nd district ng kaparehong lungsod.

Ang Star for All Seasons na si Vilma Santos ay naiproklama na bilang bagong sixth district representative ng Batangas, at nangunguna rin para manatiling vice governor ng Bulacan si Daniel Fernando.

Mukhang magtatagumpay na sa pagkakataong ito si Richard Gomez sa tinakbuhan bilang mayor ng Ormoc City dahil meron siyang 53,234 boto laban sa sumunod sa kanya na may 44,453 lamang. Ang kanyang asawang si Lucy Torres ang may 60,141 na boto at inaasahang mananalo rin bilang representative ng 4th district sa parehong lugar

Nangunguna si Jolo Revilla bilang vice governor ng Cavite na may 934,301 votes. Ang kanyang ina na si Lani Mercado ay inihayag na ang pagkakapanalo bilang mayor ng Bacoor City.

Samantala, hindi naman pinalad na mapabilang sa Magic 12 ng mga naghangad na maging bagong senador na sina Isko Moreno, Mark Lapid at Alma Moreno.

At si ER Ejercito naman ay kasalukuyang mababa ang nahakot boto sa pagkagobernador ng Laguna.

(ANN-GELLA PATRICIA F. AGNES)