BUTUAN CITY – Nadakip ang isang barangay chairman, dakong 11:00 ng gabi nitong Linggo, dahil sa umano’y pamimili ng boto sa Cagayan de Oro City.

Kinilala ni Supt. Faro Antonio Olaguera, director ng Cagayan de Oro City Police Office (CCPO), ang naaresto na si Salvador Misca, Sr., chairman ng Barangay Pigsag-an sa siyudad.

Ang barangay chairman, na iniuugnay sa Padayon Pilipino Party (PPP), ay naaktuhan umano habang namimili ng boto sa loob ng kanyang bahay, ayon kay Olaguera.

Nabawi ng mga tauhan ng CCPO mula sa suspem ang ilang sample ballot at P40,000 cash.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

Sinabi ni Olaguera na inihahanda na ng pulisya ang mga dokumento para sa pagsasampa ng kaso laban kay Misca, dahil sa umano’y paglabag sa Omnibus Election Code. (Mike U. Crismundo)