BOCAUE, Bulacan – Sa bayang ito, pagdedesisyunan kung sino ang susunod na magiging alkalde sa pamamagitan ng toss coin o kaya naman ay palabunutan.

Ito ay matapos na pareho ang bilang ng boto na nakuha ng independent mayoralty bet na si Jim Valerio at ng katunggali niyang si Joni Villanueva, ng Liberal Party.

Pareho silang nakakuha ng 16,694 na boto.

Sa ganitong sitwasyon, sinabi ng Commission on Elections (Comelec) Municipal Board of Canvassers dito, na pinamumunuan ni Deogracias Danao, na batay sa Comelec Resolution No. 10083, o ang “General Instructions for the Board of Canvassers on the Consolidation/ Canvass and Transmission of Votes”, kapag nagtabla sa nakuhang boto ang dalawang magkalabang kandidato, dapat na agad itong ipaalam ng Board of Canvassers sa parehong kandidato upang magharap ang mga ito sa Board at sa pamamagitan ng “drawing of lots” ay matukoy kung sino ang ipoproklamang nanalo.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Dakong 9:00 ng umaga kahapon nang busisiin ng Municipal Board of Canvassers ang mga ipinadalang boto sa session hall ng Sangguniang Bayan, at nakumpirmang parehon ang bilang ng nakuhang boto ng dalawa.

Si Villanueva ay kapatid nina incumbent Bocaue Mayor Jon Jon Villanueva at dating TESDA Secretary Joel Villanueva, habang si Jim Valerio ay dating provincial administrator ng Bulacan. (Freddie C. Velez)