Manalo o matalo sa presidential race, nagpahayag ng determinasyon si Sen. Antonio Trillanes IV na pananagutin pa rin niya si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa mga kontrobersiyang kinahaharap nito.

Sa panayam matapos bumoto sa Holy Infant Montessori Center sa Caloocan City, sinabi rin ni Trillanes, dating opisyal ng Philippine Navy, na panatag na ang kanyang loob kung ano man ang maging resulta ng eleksiyon, na kumandidato siya sa pagka-bise presidente.

Nakasuot ng orange shirt si Trillanes nang magtungo sa polling precinct upang bumoto.

Matatandaan na ibinulgar ni Trillanes ang umano’y mahigit P200 milyon halagan ng bank account ni Duterte sa isang sangay ng bangko sa Pasig City na hindi, aniya, ideneklara ng alkalde sa statement of assets, liabilities and net worth (SALN) nito.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Ito ay sa kabila ng paglalabas ng pahayag ng Bank of Philippine Islands (BPI) na walang bank deposit si Duterte na aabot sa nabanggit na halaga.

Si Trillanes din ang nanguna sa pagbubulgar sa umano’y katiwalian na kinasasangkutan ni Vice President Jejomar Binay sa iba’t ibang proyekto sa Makati City noong alkalde pa ito ng siyudad. (Czarina Nicole O. Ong)