Mayo 10, 1996 nang ang blizzard o biglaang pag-ulan ng snow na dulot ng bagyo, ay pumatay sa walong katao sa Mount Everest, ang pinakamalagim na insidente sa isang bundok sa loob ng isang araw. Nang marating ng isang grupo ang tuktok ng bundok, nanalasa ang blizzard at na-stranded ang mga mountaineer habang pababa.

Dumanas ang mga mountaineer ng kakapusan sa oxygen, at umasang mare-rescue sila. Apat na magkakaibang grupo ang nagtangkang makaabot sa tuktok. Walo sa mga mountaineer ang hindi nagawang iligtas, kahit pa ginamit ni Rob Hall ang kanyang satellite phone upang makausap ang kanyang maybahay.

Kabilang si Sandy Pittman, na hangad na maging ikalawang babaeng Amerikano na nakaakyat sa lahat ng Seven Summits, sa mga nakaligtas at nagtamo lamang siya ng bahagyang frostbite.

May kabuuang 91 mountaineer na ang nasawi sa pagtatangkang maakyat ang Mount Everest simula 1980 hanggang 2002.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sinulat ni Jon Krakauer ang isang libro tungkol sa trahedya.