Nakopo ng tambalan nina Charo Soriano at Alexa Micek ang Boracay leg ng Beach Volleyball Republic nang gapiin ang karibal na sina Camille Abanto at Judy Ann Caballejo, 21-15, 21-16, kamakailan sa Pearl of the Pacific.
Hindi naging madali ang pagwawagi sa leg championship kaya matamis para kina Soriano and Micek ang titulo na ipinirisinta ng PLDT Home Ultera kasama ang C500 Juice Drink.
Kinailangan muna nina Soriano at Micek na umahon sa semifinals matapos na mabigo sa unang set upang isaayos ang matinding finale kontra sa dalawang dating collegiate star.
“I’m glad we won but looking back, I know there are things we can do to improve and win more smoothly,’’ sambit ni Micek.
“I think we have a good chance for a finals appearance if we focus on being physically efficient and mentally tough,’’ sambit ni Micek.
Pinahirap nina Jennifer Cosas ng University of Negros Occidental-Recoletos at Apple Saraum ng University of Southern Philippine Foundation ang daanan para kina Soriano at Micek bago na lamang nakabawi sa huling dalawang set para itakas ang come-from-behind 13-21, 21-16, 15-11 panalo sa semis.
Ganito rin ang dinaanan nina Caballejo at Abanto na nilampasan ang makapigil-hiningang laban kontra kina Bea Tan ng BVR-Ateneo at Fiola Ceballos ng Central Philippine University, 16-21, 21-13, 16-14.
Tila isang paghiganti ang nangyari para kina Soriano, na dating Ateneo indoor volley standout, at Micek matapos na mabigo sa finals ng nakaraang leg sa Clark kontra NCAA champion Gretchel Soltones at Alyssa Eroa.
“For me, this leg was the most competitive leg yet. Admittedly, we need to improve on defense and game consistency.
We need to work harder and perform our best in the national finals,’’ ayon kay Soriano.
Ang ikapitong leg ay nakatakdang isagawa sa Siquijor ngayong buwan bago ang kampeonato sa Sands sa SM MOA By The Bay sa Mayo 25-28 kung saan ang mangungunang 16 koponan ay magsasagupa para sa titulo ng Tour. (Angie Oredo)