Inatasan ng Korte Suprema ang Court of Tax Appeals (CTA) na bawasan ang P3.2 billion cash bond, o P4.9 billion surety bond na pinababayaran sa world boxing champion na si Sarangani Rep. Manny Pacquiao kaugnay ng kasong tax evasion na inihain laban sa kanya ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Sa dalawang-pahinang resolusyon, sinabi ng Supreme Court Second Division na ang dapat na saklaw lamang ng bail bond ay basic tax, iaawas ang interest at surcharge.

“The case is hereby remanded to the CTA's First Division which is ordered to conduct a preliminary hearing or determine whether the dispensation or reduction of the required deposits or bond provided under Section 11 of RA 1125 is proper to restrain the collection of deficiency taxes against the petitioners,” nakasaad sa resolusyon.

Kasama rin sa tax complaint ang maybahay ni Pacquiao na si Jinkee.

National

Hontiveros, walang nakitang blangko sa 2025 budget

Nag-ugat ang reklamo ng BIR sa umano’y pagtanggi ng boksingero na sagutin ang mga notice na ipinadala sa kanya ng ahensiya.

Ilang beses umanong dinedma ni Pacquiao ang mga assessment notice na ipinadala sa kanya ng BIR upang bayaran ang tamang halaga ng buwis, dahilan upang maglabas ang kawanihan ng Final Decision on Disputed Assessment (FDDA).

Subalit ihinirit ni Pacquiao na wala siyang natanggap na notice mula sa BIR, partikular ang FFDA na isang requirement sa ilalim ng Tax Code. (Jun Ramirez)