Bilang pagbibigay-pugay sa National Heritage Month ngayong Mayo, muling ipinalalabas ng Cinematheque Centre Manila, katuwang ang National Film Archives of the Philippines, ang mga pelikulang Pilipino na pumatok sa takilya at nagpayabong sa pelikula upang maitatak sa isip at puso ng mamamayan ang pagmamahal sa kultura at kasaysayan ng bansa.

Kabilang sa listahan ng mga pelikulang muling ipalalabas ang obra ng mga National Artists for Film gaya nina Gerardo de Leon (“Mad Doctor of Blood Island”), Lamberto Avellana (“A Portrait of the Artist as Filipino” at “Anak Dalita”), Manuel Conde (“Genghis Khan”), Lino Brocka (“Maynila Sa Mga Kukong Liwanag” at “Cain at Abel”), Ishmael Bernal (“Working Girls”), Eddie Romero (“Aguila”), pelikula nina action king Fernando Poe, Jr. (“Kahit Konting Pagtingin”) at comedy king Rodolfo “Dolphy” Quizon, Sr. (“Ang Tatay Kong Nanay”), gayundin ang mga obra ng mga tinitingalang director na sina Kidlat Tahimik (“Mababangong Bangungot”), Mike de Leon at Chito S. Roño (“Dekada 70”).

Libreng mapanood ang mga pelikula maliban sa “Hele sa Hiwagang Hapis” ni Lav Diaz na may bayad na P200, abiso ng NFAP at Cinematheque. (Mac Cabreros)

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3