PANAMA CITY (AFP) – Lalong lalalim ang eskandalo ng Panama Papers sa buong mundo sa paglagay ng digital cache ng mga dokumento sa online.

Inilabas ng International Consortium of Investigative Journalists (ICIJ) ang mga dokumento sa searchable database dakong 1800 GMT nitong Lunes para masilip ng publiko sa offshoreleaks.icij.org.

Sinabi ng US-based organization na ang paglabas ‘’will not be a ‘data dump’’’ na katulad ng Wikileaks group. Ngunit ibubunyag nito ang mga pangalan at impormasyon sa 200,000 offshore entities na itinayo ng mayayamang indibidwal sa buong mundo.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'