Magandang balita sa mga motorista.

Magpapatupad ng oil price rollback ang mga kumpanya ng langis, sa pangunguna ng Petron, ngayong Martes ng umaga.

Sa pahayag ng Petron, epektibo 12:01 ng madaling araw ng Mayo 10 ay magtatapyas ito ng 40 sentimos sa kada litro ng kerosene, 30 sentimos sa gasoline, at 20 sentimos sa diesel.

Asahan ang pagsunod ng ibang oil company sa kaparehong bawas-presyo sa petrolyo na ipinatupad ng Petron kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Ang bagong price rollback sa petrolyo ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Noong Abril 12, pinangunahan ng Flying V at Pilipinas Shell ang 70 sentimos na tapyas sa presyo ng gasolina, 55 sentimos sa kerosene at 50 sentimos sa diesel. (Bella Gamotea)