Stephen-Curry-051016 copy

OAKLAND, California (AP) —Pasok si Stephen Curry sa maigsing listahan ng mga tinatawag na ‘NBA greatest’.

Nakamit ng pamosong streak-shooting guard ng Golden State Warriors ang ikalawang sunod na Most Valuable Player award, ayon sa NBA source nitong Lunes (Martes sa Manila).

Pormal na ihahayag ng NBA ang resulta ngayon.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Pinangunahan ni Curry ang Warriors sa pagtala ng NBA record 73 panalo at patuloy ang paghataw mula nang gabayan ang koponan sa kauna-unahang NBA title matapos ang 40 taon sa nakalipas na season.

“I kind of felt bad today because I didn’t tell him congratulations because I felt like I knew since December,” pahayag ni Warriors forward Draymond Green.

“It didn’t feel like this momentous occasion. It didn’t feel that way,” aniya.

Nangunguna si Curry sa scoring tangan ang 30.1 puntos kada laro at nabura ang sariling record sa 3-pointer sa naisalpak na 402 ngayong season.

Ngunit, hindi lamang sa opensa lintik si Curry kung hindi maging sa assist na may 6.7 average at 5.4 rebound kada laro. Nangunguna rin siya sa liga sa steal na may 2.1 kada laro at may averaged 50.4 porsiyento sa field at 3-point range at 90.8 sa foul line.

“The way that I play has a lot of skill but is stuff that if you go to the YMCA or rec leagues or church leagues around the country, everybody wants to shoot, everybody wants to handle the ball, make creative passes and stuff like that,” pahayag ni Curry, tinanghal ding AP Male Athlete of the Year ngayong season.

“You can work on that stuff. Not everybody has the vertical, or the physical gifts to be able to go out and do a windmill dunk and stuff like that. I can’t even do it,” aniya.

Si Curry ang kauna-unahang Warriors player na nangunga sa liga sa scoring mula nang maitala ni Rick Barry ang 35.6 scoring clip noong 1966-67 season at makasama nina Barry at Wilt Chamberlain na may average 30 o higit pang puntos ngayong season .

“He’s incredible. He’s different. He’s something that we’ve never seen before,” sambit ni Allen Iverson, ang 2001 MVP.

“We’ve never seen this. It’s crazy to me. Just me being the biggest Michael Jordan fan, to see somebody come around like this, I have my idea of being incredible, you know what I mean. But this dude right here!? It’s different. It’s a whole different monster,” aniya.